BUWIS-BUHAY ANG MGA HEALTH WORKER

alex santos

KAHIT noong unang linggo pa lamang ng pandemya, buwis-buhay na ang health care workers.

Laging sila ang u­nang sumasalo sa mga pasyenteng may infection ng virus.

Sabi nga, para silang mga pulis na ang kalahati ng kanilang katawan o kaliwang paa ay tila nakabaon na sa hukay.

Kaya ipinursige talaga ng ilang sektor ang mas mataas na sahod ng health workers.

Dumarami ang mga doktor, nurse at iba pang crisis workers sa ospital ang sumakabilang buhay dahil sa COVID-19.

Habang tumatagal, nadaragdagan pa ang bilang nila.

Mahal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga health worker, kaya dinagdagan ang kanilang suweldo o allowance.

Kasama rin sa mga nagsasakripisyo ang mga tinatawag na local health innovators.

Sila ang mga gu­magawa ng mga imbensiyon na makatutulong sa paglaban natin sa Covid-19.

Makaraang aprubahan ang commercial release ng Philippine-made COVID-19 test kits, isinusulong ni House Ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda ang pagkakaloob ng tax incentives para sa local health innovations.

Nararapat daw silang isama sa panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (Create).

Nakabibilib nga naman ang COVID-19 test kits na gawang Pinoy.

Para masigurong mabibigyang daan ang hirit ni Salceda, kakausapin niya raw ang Department of Finance (DOF) at Department of Trade and Industry (DTI) ukol dito.

Mahalaga nga namang maisingit ang ga­nitong proposal sa strategic investment priorities plan (SIPP) sa ilalim ng Create bill.

Bunga ng suporta ng Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST), inaprubahan na nga para maibenta sa merkado o puwede nang gamitin ng publiko ang testing kit na GenAmplify version 2 na gawa ng Manila HealthTek.

Dito natin natalos na kayang-kaya naman pala nating makipagsabayan sa mga dayuhan.

Itinutulak din ni Salceda ang pagbibigay ng ayuda sa mga maliliit na negosyo upang maisakatuparan ang kanilang health technologies.

Kapuri-puri ang ginagawang ito ni Salceda.

Importante nga naman ang suporta ng iba’t ibang sektor at ahensiya ngayong panahon ng krisis.

Buhusan ng tulong ang local health innovators.

Malay natin, nasa mga bakuran lang pala natin ang lunas sa nakamamatay na CO­VID-19.

o0o

Si Alex Santos ay broadcaster sa mga programa ng DWIZ 882 tulad ng Ratsada Balita tuwing alas-6 ng umaga; IZ Balita Nationwide Pang-umagang edisyon (‪7am-8am). Ma­kinig din araw-araw sa Radyo Pilipinas (‪2pm-3pm) sa programang “WALANG SINASANTO”. Mapapanood ni’yo rin ako sa PTV NEWS tuwing ala-6 ng gabi. Ipadala ang inyong komento at reaksiyon sa ‪lupaxsantos1@yahoo.com o puwede ni’yo akong i-follow sa twitter account @iamalexsantos

One thought on “BUWIS-BUHAY ANG MGA HEALTH WORKER”

  1. 505536 549657I really got into this article. I located it to be fascinating and loaded with distinctive points of interest. I like to read material that makes me feel. Thank you for writing this excellent content. 832392

Comments are closed.