PAPATAWAN na ng mas mataas na buwis ang mga alak na ibinebenta sa bansa.
Ito ay makaraang makalusot sa House Committee on Ways and Means ang substitute bill para sa pagpapataw ng mas mataas na excise tax sa mga nakalalasing na inumin pagpasok ng 2019.
Sa ilalim ng substitute bill, itataas sa P6.60 ang excise tax sa alcohol products.
Inaprubahan din ang unitary rate sa sparkling wines sa P650 taliwas sa ilalim ng two-tiered system sa ilalim ng RA 10351.
Ang mga still at carbonated wine na mas mababa ang alcohol content sa 14% ay itataas ang buwis sa P2.10, habang ang mga inuming mas mataas sa 14% ang alcohol content ay papatawan ng P4.10 na buwis.
Ang approved tax rate naman sa fermented liquors ay nasa P2.60, mas mataas pa rin sa tax rate sa ilalim ng RA 10351.
Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson Estrellita Suansing, isusumite na sa ple-naryo ang committee report para maisalang ito agad sa deliberasyon. CONDE BATAC
Comments are closed.