TULUYAN nang ibabasura ng Kamara ang buwis sa vape at e-cigarettes matapos na ihayag ni Pangulong Duterte ang pag-ban sa paggamit ng mga ito.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, handa silang sumunod sa utos ni Pangulong Duterte at hindi na nila irerekomenda ang pagbubuwis sa vape at e-cigarettes na una nang inaprubahan sa Kamara.
Sa pagsalang aniya sa bicameral conference committee ng sin tax kung saan kasama ang vape at e-cigarettes sa bubuwisan ay tatanggalin na nila ang probisyon na iyon ng panukala.
Ipapaubaya naman na ni Salceda ang vape at e-cigarettes sa Department of Health bilang health concern na ng bansa.
Aabot sa P1.4 Billion ang kita na mawawala sa gobyerno sa pagtanggal ng buwis sa vape.
Pero, tiniyak ni Salceda na hindi naman maaapektuhan ang Universal Health Care Law na siyang makikinabang sa buwis dito.
Aniya, mayroon pang ibang sin product na mapagkukunan ng pondo ng UHC tulad ng tobacco at alcohol o fermented products. CONDE BATAC
Comments are closed.