BUZZER-BEATER (Celtics nakaungos sa Nets sa Game 1; Heat, Suns, Bucks nakauna rin)

NAIPASOK ni Jayson Tatum ang last-second assist ni Marcus Smart sa buzzer-beating layup na nagbigay sa Boston Celtics ng 115-114 panalo laban sa bisitang Brooklyn Nets sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference first-round playoff series.

Abante ang Nets sa 114-113 at naghahanap ng clinching basket, sumablay si Kevin Durant sa 3-pointer, may 15 segundo ang nalalabi. Nakuha ni Al Horford ang rebound, at makaraang makita ni Jaylen Brown na libre si Smart sa kaliwang bahagi, hindi itinira ng veteran guard ang bola at ipinasa ito kay Tatum.

Tumapos siTatum na may team-high 31 points, umiskor si Brown ng 23, at nagdagdag sina Smart at Horford ng tig-20 points para sa Boston. Kumalawit din si Horford ng 15 rebounds.

Nagbuhos si Kyrie Irving ng game-high 39 points para sa seventh-seeded Nets, kabilang ang isang 3-pointer, may  45.9 segundo ang nalalabi na nagbigay sa visitors ng 114-111 kalamangan. Kumubra si Kevin Durant ng 23 points para sa Nets.

HEAT 115,

HAWKS 91

Kumana si Duncan Robinson ng 27 points mula sa bench at nakalikom si Jimmy Butler ng 21 points nang gapiin ng host Miami ang Atlanta sa kanilang Eastern Conference first-round playoff series.

Naisalpak ng Miami, ang No. 1 seed sa East, ang 18 sa 38 3-point shots nito, kung saan naipasok ni Robinson ang walo sa kanyang nine attempts at nagtala ng 9-for-10 overall mula sa field. Si P.J. Tucker, tumipa ng16 points, ay 4-for-4 sa 3s.

Nalimitahan ng Heat si Hawks scoring leader Trae Young sa 8  points, bagaman hindi siya naglaro sa fourth quarter. Bumuslo siya ng 1-for-12 mula sa field, nagmintis sa lahat ng pitong 3 -point attempts at gumawa ng 6 turnovers. Nanguna si Danilo Gallinari na may 17 points para sa No. 8 seed Atlanta.

BUCKS 93,

BULLS 86

Tumirada si Giannis Antetokounmpo ng 27 points sa 10-of-19 shooting at tinulungan ang  Milwaukee na dispatsahin ang bisitang Chicago sa pagsisimula ng kanilang first-round Eastern Conference playoff series.

Naghahabol ang sixth-seeded Bulls ng isang puntos lamang, may  1:36 sa orasan matapos ang layup ni Alex Caruso, subalit tinapos ng No. 3 seed Milwaukee ang laro sa 6-0 run upang selyuhan ang panalo.

Nagdagdag si Antetokounmpo ng16 rebounds at kumabig si Brook Lopez ng 18 points. Nag-ambag si Jrue Holiday ng 15 points, umiskor si Khris Middleton ng 11 at tumapos si Bobby Portis na may 10 points at 12 rebounds mula sa bench. Nanguna si Nikola Vucevic para sa Chicago na may 24 points at 17 rebounds sa kabila ng 9-of-27 shooting.

SUNS 110,

PELICANS 99

Naitala ni Chris Paul ang 19 sa kanyang 30 points sa fourth quarter upang tulungan ang  Phoenix na pigilan ang paghahabol ng New Orleans at maiposte ang opening game win sa kanilang Western Conference playoff series.

Naipasok ni Paul ang 12 sa 16 field-goal attempts — kabilang ang 4 sa 6 mula sa 3-point range — at nag-ambag din ng 10 assists, 7 rebounds at 3 steals para sa top-seeded Phoenix, na umabante ng hanggang  23 points sa  wire-to-wire victory.

Nakalikom si CJ McCollum ng  25 points at 8 rebounds at nagdagdag si Jonas Valanciunas ng 18 points at franchise postseason-record 25 rebounds para sa eighth-seeded New Orleans. Umiskor din si Brandon Ingram ng  18 points at nag-ambag si Larry Nance Jr. ng 14 para sa Pelicans.