BIÑAN – Nanalasa si Jeckster Apinan sa overtime upang bitbitin ang Makati-Super Crunch sa 91-90 panalo laban sa GenSan-Burlington sa 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season kahapon sa Alonte Sporte Arena dito.
Naipasok ni Apinan ang buzzer-beating layin mula sa pasa ni Cedric Ablaza upang ibigay sa Makati ang kinakailangang panalo makaraang matalo ng apat sa huling limang laro.
Naitala ng Jose Rizal University product ang 10 sa 12 points ng Super Crunch sa overtime at tumapos na may 29 points sa 9-of-14 clip, 13 rebounds, 5 assists, 2 steals at isang block.
“Jeckster is one of the leaders of the team. He’s been a very good offensive and defensive player. A good attitude on and off the court,” wika ni head coach Beaujing Acot.
Samantala, naiposte ni Mikey Williams ang lahat ng 11 markers ng Warriors sa extra period upang tumapos na may 21 points at 7 assists.
Tabla sa 79, nagpalitan sina Jong Baloria at Cristopher Masaglang ng sablay na tira upang ihatid ang laro sa overtime.
Nagdagdag si Ablaza ng 21 points, 7 boards, 3 dimes, 2 steals at 2 blocks para sa Makati, habang gumawa si Baloria ng 12 markers.
Nanguna si Robby Celiz para sa GenSan na may 13 points, 17 rebounds, 5 assists, at 3 blocks habang kinapos si Pamboy Raymundo para sa triple-double na may 13 markers, 10 assists, at 9 boards.
Umangat ang Makati sa 22-8 at pinutol ang two-game slump haban nahulof ang Warriors sa 16-12.
Iskor:
Makati-Super Crunch (91) – Apinan 29, Ablaza 21, Baloria 12, Villanueva 9, Lingganay 6, Cruz 5, Importante 4, Sedurifa 3, Atkins 2, Cayanan 0, Manlangit 0.
GenSan-Burlington (90) – Williams 21, Raymundo 13, Celiz 13, Mahaling 12, Masaglang 12, Goloran 9, Orbeta 3, Bautista 3, Cabanag 2, Baltazar 2, Cinco 0, Landicho 0.
QS: 18-17, 36-37, 57-59, 79-79, 91-90.
Comments are closed.