NAISALPAK ni Luka Doncic ang isang off-balance 3-point floater habang paubos ang oras upang bigyan ang Dallas Mavericks ng stunning 114-113 win laban sa host Memphis Grizzlies noong Miyerkoles ng gabi.
Naitala ni Doncic ang 25 sa kanyang 29 points sa second half at tumapos na may 9 assists upang tulungan ang Dallas na putulin ang two-game slide. Nagdagdag si Kristaps Porzingis ng 21 points para sa Mavericks.
Napantayan ni Grayson Allen ang kanyang career best na anim na 3-pointers at umiskor ng 23 points upang pangunahan ang Grizzlies, subalit nag-mintis siya sa dalawang free throws, may 2.2 segundo ang nalalabi, na nagbigay-daan sa game-winning shot ni Doncic.
Na-rebound ni Dwight Powell ang ikalawang mintis ni Allen at tumawag ng timeout ang Mavericks, may 1.8 segundo ang nalalabi. Tinanggap ni Doncic ang bola sa inbounds pass at isinalpak ang winning shot sa 3-point area.
Nagdagdag si Powell ng 12 points at 8 rebounds, at gumawa si Tim Hardaway Jr. ng 11 points para sa Mavericks.
WIZARDS 123,
KINGS 111
Lumapit si Russell Westbrook ng 11 triple-doubles sa all-time mark ni Oscar Robertson sa pagposte ng ika-6 na sunod sa 123-111 panalo ng Washington Wizards kontra 123-Sacramento Kings.
Tumapos si Westbrook na may 25 points, game-high 15 rebounds, game-high 11 assists at 4 steals, habang nagbuhos si Bradley Beal ng team-high 31 points para sa Wizards, na tinapos ang six-game trip na may 4-2 record.
Nanguna si De’Aaron Fox na may 30 points para sa ika-6 na pagkakataon ngayong season na may game-high 33 para sa Kings, na nalasap ang ika-8 sunod na pagkabigo.
Tinampukan ni Davis Bertans ang 42-point, first-quarter explosion ng Wizards sa pamamagitan ng four-point play, na nagbigay sa visitors ng double-figure lead sa second period at hindi na lumingon pa.
Naipasok ni Westbrook ang 12 sa kanyang 22 shots at nagtala si Beal ng 10 of 22 kung saan na-outshot ng Wizards ang Kings — 52.2 percent sa 46.2 percent.
Ang triple-double ni Westbrook ay league-leading 24th sa season at 170th sa kanyang career. Tangan ni Robertson ang all-time mark na 181.
NUGGETS 123,
HEAT 106
Tumirada si Michael Porter Jr. ng 25 points at 10 rebounds at naitala ni Nikola Jokic ang kanyang 15th triple-double sa season nang gapiin ng host Denver Nuggets ang Miami Heat, 123-106.
Tumapos si Jokic na may 17 points, 11 assists at 10 rebounds. Umiskor si JaMychal Green ng 17 points mula sa Nuggets’ bench, Nag-ambag sina Aaron Gordon ng 16 points, P.J. Dozier ng 15 at Monte Morris ng 11.
Umiskor si Bam Adebayo ng 21 points, at nagdagdag sina Kendrick Nunn ng 16, Jimmy Butler ng 13 points at 9 assists at Trevor Ariza ng 13 para sa Miami.
Ang Heat ay galing sa road defeat sa Phoenix Suns noong Martes.
Sa iba pang laro ay pinadapa ng Philadelphia 76ers ang short-handed Brooklyn Nets, 123-117; tinambakan ng Golden State Warriors ang Oklahoma City Thunder,b147-109; at ginapi ng New York Knicks ang New Orleans Pelicans, 116-106.
97881 661987i always enjoy to do blog hopping and i stumbled upon your blog .”~; 895021
761926 671513I see something genuinely particular in this web site . 613046
607938 248214Do you mind if I quote a couple of your posts as long as I offer credit and sources back to your internet site? My blog is in the exact identical region of interest as yours and my visitors would truly benefit from some with the details you give here. Please let me know if this ok with you. Thanks! 445788
688468 378973I saw however yet another thing concerning this on another weblog. Youve certainly spent some time on this. Nicely done! 135650
634710 848948I gotta favorite this site it seems very beneficial . 29204
117591 619713I visited a great deal of web site but I conceive this 1 holds something particular in it in it 657134