NAISALPAK ni Lester Reyes ang buzzer-beating layup para sandigan ang Petra Cement-Roxas sa makapigil-hiningang 71-69 panalo laban sa JPS Zamboanga City noong Linggo ng gabi sa 2021 Chooks-to-Go Pilipi-nas VisMin Super Cup Mindanao leg sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.
Tabla ang iskor sa 69 matapos ang three-pointer ni Leo Najorda, may 19.7 segundo ang nalalabi, nakuha ng Vanguards ang pagkakataon nang sumablay ang jump shot ni JPS forward Gabby Espinas.
May 5.7 segundo para sa winning play, mabilis na sumalaksak para sa layup si point guard JK Casiño, ngunit kaagad din niya itong ipinasa kay Reyes para sa mahimalang tira para sa kauna-unahang panalo ng Vanguard sa tatlong laro.
“Set play talaga namin ‘yun. Kailangan talaga naming i-go hard kasi penalty naman sila, kahit isang point lang makuha namin panalo pa rin,” pahayag ni Roxas head coach Eddie Laure.
Naghabol ang Petra Cement sa kabuuan ng fourth period bago nailarga ng Vanguards ang 11-2 blitz, tampok ang three-pointer ni Najorda para maitabla ang iskor sa 69.
Nanguna si James Castro sa Vanguards na may 17 puntos, 9 rebounds, 6 assists, at 1 steal.
Balik-aksiyon sa Martes ang dalawang koponan kung saan haharapin ng JPS ang MisOr sa alas-2 ng hapon, habang mapapalaban ang Roxas sa Iligan sa alas-4 ng hapon.
Samantala, nahila ng MisOr ang kabiguan ng Kapatagan sa tatlo sa pahirapang 111-105 panalo.
Hataw si Ronjay Buenafe sa Brew Authoritea sa naiskor na 30 puntos, tampok ang siyam sa huling 12 puntos ng MisOr para sa 108-103 bentahe, may 43.4 segundo ang nalalabi. Nag-ambag si Mac Baracael ng 28 puntos, habang kumana si Joseph Sedurifa ng 20 puntos, 6 assists, 4 rebounds, at 2 steals.
“Eleven years in the other league. What will you expect from Ronjay? Ronjay is really helping a lot sa team,” pahayag ni MisOr head coach Vis Valencia.
Umusad ang MisOr sa 2-1, habang bagsak ang Buffalo Braves sa tatlong sunod na kabiguan matapos ang im-presibing debut sa kauna-unahang pro league sa Katimugan.
Nanguna si Marlon Monte sa Kapatagan sa naiskor na 29 puntos, mula sa 2-of-16 shooting at may anim na re-bounds, habang kumana si Teytey Teodoro ng 13 puntos.EDWIN ROLLON
Iskor:
Roxas (71) – Castro 17, Jaime 14, Reyes 8, Bondoc 8, Camacho 8, Casino 8, Najorda 6, Rifaril 2, Sta. Ana 0, Intic 0, Elmejrab 0, Templo 0, Deles 0.
Zamboanga City (69) – Gaco 22, Salim 13, Lingganay 13, Espinas 12, Neypes 2, Yu 2, Belencion 2, Matias 2, Jeruta 1, Ferrer 0.
QS: 24-14, 40-39, 54-57, 71-69.
MisOr (111) – Buenafe 30, Baracael 28, Sedurifa 20, Cervantes 16, Munsayac 5, Meca 4, Gonzaga 0, Sanga 0, Mendoza 0, Ballesteros 0, Estrella 0, Salcedo 0.
Kapatagan (105) – Monte 29, Teodoro 13, Costelo 10, Inigo 9, Ng Sang 9, Fajarito 7, Doroteo 6, Astrero 5, Acain 4, Mandreza 2, Incio 2, Tabaquero 0, Sollano 0.
QS: 25-11, 48-44, 76-78, 111-105
833366 905370Thanks for your time so significantly for your impressive and amazing guide. I will not be reluctant to endorse your internet internet sites to any individual who ought to receive direction on this difficulty. 320719
251792 180501Yay google is my king helped me to discover this fantastic web website ! . 382418