BUZZER-BEATER (Rozier bayani ng Hornets vs Warriors)

Hornets vs Warriors

ISINALPAK ni Terry Rozier ang isang buzzer-beating jumper mula sa left corner na naging tuntungan ng host Charlotte Hornets upang maungusan ang Stephen Curry-less Golden State Warriors,  102-100, noong Sabado ng gabi (US time).

Nag-warm up at nakahanda sa kanyang annual Charlotte homecoming, si Curry ay ineskortan pabalik sa locker room, ilang sandali bago ang opening tip.

Pagkalipas ng ilang minuto ay inanunsiyo ng Warriors na hindi maganda ang pakiramdam ng third-leading scorer ng liga.

Si Curry ay lumiban din sa laro sa Charlotte noong nakaraang taon dahil sa broken hand.

Bumuslo si Rozier ng 8-for-11 sa 3-pointers at tumapos may game-high 36 points, ang kanyang ika-4 na sunod na 30-point outing. Ang Hornets ay hindi naglaro magmula noong Feb. 20 makaraang ipagpaliban ang dalawang laro dahil sa COVID-19.

Nag-ambag sina P.J. Washington ng 15 points, Gordon Hayward ng13 at Miles Bridges ng 10 para sa Hornets, na bumuslo ng 20-for-40 sa 3-pointers at na-outscore ang Warriors, 60-39, mula sa 3-point range.

Tumipa si Kelly Oubre Jr. ng 25 points upang pangunahan ang  Warriors, na nalasap ang ikalawang sunod na pagkabigo matapos na matalo sa Orlando noong Biyernes.

Kumamada si Andrew Wiggins ng 19 points, at nagdagdag sina Eric Paschall ng 16, at Brad Wanamaker at Damion Lee ng tig-14 para sa Golden State, na naglaro sa unang pagkakataon na wala si  Curry.

SUNS 128,

GRIZZLIES 97

Nagbuhos si Devin Booker ng game-high 23 points at nagdagdag si Mikal Bridges ng 19 points nang pataubin ng bisitang Phoenix Suns ang shorthanded Memphis Grizzlies, 128-97.

Bagama’t hindi umiskor sa unang 3:43 ng laro, umabante ang Phoenix ng 13 points sa pagtatapos ng first quarter.

Naitala ng Suns ang 31-point halftime lead, at nalimitahan ang Grizzlies sa mas mababa sa 20 points sa unang dalawang quarters.

Kumamada si Dario Saric ng 3-of-5 3-pointers mula sa bench at tumapos na may 19 points, habang napantayan ni Cameron Payne ang 5-of-7 ni Booker tungo sa 19 points. Nagdagdag si Payne ng game-high seven assists.

Ito ang ika-8 panalo ng Phoenix sa huling siyam na laro.

HEAT 96,

LAKERS 94

Nagposte si Kendrick Nunn ng 27 points at nakalikom si Jimmy Butler ng 24 points at 8 eight rebounds upang pangunahan ang Miami Heat sa 96-94 panalo kontra host Los Angeles Lakers sa rematch ng NBA Finals noong nakaraang season.

Nakakolekta si Bam Adebayo ng 16 points at  10 rebounds at nag-ambag si Duncan Robinson ng  11 points at  10 rebounds para sa Heat, na nanalo ng anim sa siyam na laro.

Tumipa si Kyle Kuzma ng 23 points at nagdagdag si LeBron James (7-for-21 mula sa field) ng 19 points, 9 rebounds at 9 assists para sa Lakers, na nalasap ang ikatlong pagkabigo sa huling apat na laro.

Naipasok ni Montrezl ang 7 sa 12 tira mula sa field upang tumapos na may  18 points at 10 rebounds, at gumawa si Kentavious Caldwell-Pope ng 11 points.

BULLS 122,

 KINGS 114

Humataw si Zach LaVine ng 38 points at nagdagdag si Coby White ng 19 upang pangunahan ang anim na players sa double figures nang ipalasap ng host Chi-cago Bulls sa Sacramento Kings ang ika-6 sunod na pagkatalo sa pamamagiran ng 122-114 victory.

Nagwagi ang Chicago sa ikatlong pagkakataon sa apat na laro sa pagbibida ni LaVine na lumagpas sa 30-point plateau sa ika-7 pagkakataon sa walong laro at ika-15 pagkakataon ngayong season.

Nagdagdag si rookie Patrick Williams ng 11 points at 11 rebounds para sa kanyang ikalawang career double-double, habang nagsalpak si White ng limang 3-pointers para sa Chicago.

Comments are closed.