BVR CROWN SA GERVACIO-TAN, ABDILLA-LOPEZ TANDEMS

BVR-2

MAGAAN na dinispatsa nina Dzi Gervacio at Bea Tan ng Banko-Perlas ang tambalan nina Roma Doromal at Kly Orillaneda 1 ng National University-Boysen, 21-8, 21-18, upang ku­nin ang women’s championship sa Beach Volleyball Republic On Tour December Open 2018: A Christmas Rally noong Linggo ng gabi sa Sands SM By The Bay.

Nasikwat naman ng Air Force ang men’s title nang mamayani sina Ranran Abdilla at Jessie Lopez laban kina Fauzi Ismail at Edmar Bonono ng Cignal, 21-17, 21-18.

Naging sentro rin ng atensiyon sina phenoms Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, na naitala ang come-from-behind win laban kina beach volleyball poster girl Charo Soriano at fan favorite John Vic de Guzman, 23-21, sa highly-entertaining celebrity match na ang kinita ay napunta sa  Mindanao State University-Marawi College of Sports, Physical Education and Recreation Academy.

“It’s been an honor being able to play the game that we love and at the same time being able to help our young brothers and sisters in Marawi. With the help of all those who supported, the CSPEAR Sports Academy of MSU-Marawi will be able to teach more and more kids so that these children’s lives will be filled with laughter instead of anger, love instead of hate, and hope instead of fear. That, for me, is the true value of sport,” wika ni Soriano.

Sa isa pang exhibition match na nagpainit sa huling araw ng kumpetisyon ay nalusutan ng Team Idol na binubuo nina Philippine beach volleyball legends Rhovyl Verayo, Jasper Jimenez, Jun Gallo at guest player Mike Shavrak ang Team Lodi nina Ravena, De Guzman, Sue Roces at Philip Bagalay, 21-17.

Walang talo sa limang laro, tinapos nina Gervacio at Tan ang Cinderella run nina Doromal at Orillaneda, na nangailangan ng dalawang do-or-die matches upang makapasok sa Finals.

Humabol sina Babylove Barbon at Gen Eslapor ng University of Santo Tomas-Maynilad sa pagkatalo sa isang set upang pataubin sina Fille Cayetano at Kyla Atienza ng Creamline, 17-21, 21-12, 15-8, at kunin ang ikatlong puwesto, kung saan naduplika nila ang kanilang natamo sa Dumaguete City noong nakaraang buwan.

Ginapi naman nina KR Guzman at Krung Arbasto ng Tiger Wynx sina  Rancel Varga at Efraim Dimaculangan ng UST-Maynilad, 21-14, 21-12, para sa bronze medal.

Comments are closed.