LABINDALAWANG koponan sa women’s at men’s division ang magbabakbakan para sa huling kampeonato ngayong taon sa Beach Volleyball Republic On Tour December Open 2018: A Christmas Rally simula sa Biyernes sa Sands SM By The Bay.
Ang three-day event ay tatampukan din ng Sandroots program, isang beach volleyball workshop kung saan pangangasiwaan ng mga player ang kids’ camp sa Sabado.
Bilang pasasalamat sa isa na namang matagumpay na taon, ang BVR ay mgho-host din ng isang celebrity match for a cause sa Linggo, kung saan ang ticket proceeds ay mapupunta sa benepisyaryo nito, ang Mindanao State University College of Sports, Physical Education and Recreation Academy sa Marawi City.
Batay sa tournament format, ang mga koponan ay hahatiin sa apat na grupo na may tig-3 koponan, kung saan ang top two pairs sa bawat grupo ay uusad sa knockout quarterfinals.
Ang mga magwawagi ay aabante sa semifinals, kung saan ang survivors ay magsasagupa para sa titulo sa 10th at final leg ng taon.
Magsisimula ang aksiyon sa alas-8 ng umaga.
Sa women’s side, ang Group A ay binubuo ng BanKo-Perlas 1, Air Force 1 at National University-Boysen, habang ang University of Santo Tomas-Maynilad 1, Creamline at Wild Card ang nasa Group B.
Nasa Group C naman ang UST-Maynilad 2, Malaya-Far Eastern University at Air Force 2, habang ang BanKo-Perlas 2, PetroGazz at Rizal Technological University ang bumubuo sa Group D.
Samantala, pangungunahan ng Tiger Winx, ang Dumaguete leg champions, ang heavy cast sa men’s division.
Kalahok din ang dalawang koponan mula sa Cignal, PLDT at Luna, Air Force, Fury-Ritemed, Malaya, NU-Boysen at dalawang Wild Card pairs.
Comments are closed.