DUMAGUETE CITY – Inaasahan ang mainit na bakbakan sa BVR on Tour: Dumaguete Open, na papalo ngayon sa Rizal Boulevard sand court dito, sa paglahok ng tatlong pares mula sa Hong Kong.
Ang women’s duo nina Yuen Ting Chi at Lok Shun, at ang men’s teams nina Chueng Chek Hong at Li Chun Kit, at Wong Ka Yun at Tse Kin Wang ay dumating sa Negros Oriental capital noong Huwebes, kasama ang 21 local pairs na sasabak sa third leg ng taon.
Inaasahang patataasin ng Hong Kong players ang antas ng kompetisyon, tulad ng namalas sa parehong Dumaguete leg noong nakaraang taon kung saan namayani sina University of Negros Occidental-Recoletos alums Alexa Polidario at Erjane Magdato laban kina Samaa Miyagawa ng Japan at Tin Lai ng Hong Kong.
Magbabalik sa lugar ng kanilang matagumpay na championship run, sina Polidario at Magdato ay nakahandang umulit laban sa mabibigat na katunggali, sa pangunguna nina Yuen at Lok, Perlas’ Bea Tan at Dij Rodriguez, NU-Boysen’s Roma Joy Doromal at Roma May Doromal, Air Force 1’s May Ann Pantino at Jozza Cabalsa, Smash Bacolod’s Bianca Lizares at Jennnifer Cosas at sa University of Santo Tomas duos nina Babylove Barbon at Gen Eslapor, at MJ Ebro at Derie Virtusio.
Umaaa sina Tan at Rodriguez na makakatatlong sunod makaraan ang kanilang undefeated runs sa Puerto Galera at Santa Fe, Bantayan Island legs noong nakaraang buwan.
Inaasahan din ang kapana-panabik na aksiyon sa men’s division sa pagsabak ng dalawang Hong Kong pairs laban kina Air Force’s Jessie Lopez at Ranran Abdilla, University of St. La Salle’s Herold Parcia at Deanne Neil Depedro, at NU-Boysen’s James Buytrago at Pol Salvador.
Target din nina Lopez at Abdilla ang ikatlong sunod na korona.
Matapos ang Dumaguete leg, ang BVR on Tour ay bibisita sa Lingayen, Pangasinan sa April 31-May 1, na magsisilbi ring build-up sa FIVB Beach Volleyball World Tour 1-Star na gaganapin sa Boracay sa May 23-26.
Comments are closed.