BYE, BYE LAKERS

ISINALPAK ni Jamal Murray ang isang 14-footer, may apat na segundo ang nalalabi, upang ihatid ang host Denver Nuggets sa NBA Western Conference semifinals sa pamamagitan ng 108-106 panalo laban sa Los Angeles Lakers sa Game 5 ng first-round playoff series noong Lunes.

Nagwagi ang second-seeded Nuggets sa best-of-seven series, 4-1, at makakaharap ang third-seeded Minnesota Timberwolves sa Western Conference semifinals simula sa Sabado sa Denver.

Tulad ng ginawa niya sa Game 2, nabuhay si Murray sa fourth quarter at sinibak ang  Los Angeles sa isang clutch jumper. Tumapos siya na may game-high 32 points, 12 sa fourth quarter, sa kabila na naglaro na may strained left calf.

Nagsalansan si Nikola Jokic ng  25 points, 20 rebounds, 9  assists at 7 turnovers, umiskor si Michael Porter Jr. ng 26 points at kumalawit si Aaron Gordon ng 13 rebounds para sa Nuggets.

Humataw si LeBron James ng 30 points, 11 assists at 9 rebounds para sa seventh-seeded Lakers. Nagdagdag si Anthony Davis ng 17 points at 15 rebounds makaraang maglaro na may injured left shoulder.

Tumapos si Austin Reaves na may 19 points, umiskor si Rui Hachimura ng 15 at nagdagdag si  D’Angelo Russell ng 14 para sa Lakers.

Thunder 97,
Pelicans 89

Nagbuhos sina Shai Gilgeous-Alexander at Jalen Williams ng tig- 24 points, nagdagdag si Gilgeous-Alexander ng 10 rebounds at nakumpleto ng bisitang Oklahoma City Thunder ang first-round playoff sweep sa New Orleans Pelicans sa panalo noong Lunes.

Naitala ni Williams ang walo sa kanyang mga puntos sa pivotal 10-0 fourth-quarter run para sa  top-seeded Thunder, na umabante upang makaharap ang fourth-seeded Los Angeles Clippers o ang fifth-seeded Dallas Mavericks sa Western Conference semifinals.

Umiskor sina Oklahoma City’s Chet Holmgren at Josh Giddey ng tig-14 points at nag-ambag si Luguentz Dort ng 11.

Nagposte si CJ McCollum ng 20 points, tumipa si Jonas Valanciunas ng 19 points at 13 rebounds, gumawa sina Naji Marshall ng 16 at Herb Jones ng 11 points upang pangunahan ang eighth-seeded Pelicans, na hindi umiskor ng mahigit 92 points sa alinmang laro sa series.

 Nagtala si Brandon Ingram ng  2-for-14 mula sa floor at tumapos na may 8 points para sa New Orleans, na hindi nakasama si injured leading scorer Zion Williamson sa buong series.

Bumuslo ang Oklahoma City ng 42.7 percent mula sa floor habang nalimitahan ang New Orleans sa 37.6 percent shooting. Ang Pelicans ay 8 of 34 (23.5 percent) mula sa long distance habang naipasok ng  Thunder ang 12 of 40 (30 percent) mula sa arc.

Celtics 102,
Heat 88

Kumana si Derrick White ng 38 points sa 15-for-26 shooting, kabilang ang 8-for-15 success mula sa 3-point range, at naitakas ng Boston Celtics ang panalo kontra host Miami Heat noong Lunes ng gabi.

Nagdagdag si Jayson Tatum ng 20 points at 11 rebounds para sa Celtics, na kinuha ang 3-1 sa best-of-seven Eastern Conference quarterfinal series. Tumapos si Jaylen Brown na may 17 points.

Nagtala si White, isang 29-year-old guard, ng career-high point total — regular season o postseason.

Nanguna si Bam Adebayo para sa Heat na may  25 points, 17 rebounds at 5 assists. Nag-ambag si Tyler Herro ng 19 points at nakakolekta si Caleb Martin ng 18 para sa Miami, na sisikaping makaiwas sa pagkakasibak sa Game 5 sa series sa Miyerkoles ng gabi sa Boston.