KUMANA si Luka Doncic ng 35 points at 10 rebounds upang tulungan ang Dallas Mavericks na dispatsahin ang host Phoenix Suns, 123-90, sa Game 7 at kunin ang isang puwesto sa Western Conference finals.
Nagbuhos si Spencer Dinwiddie ng 30 points mula sa bench at nagdagdag si Jalen Brunson ng 24 para sa fourth-seeded Dallas na pinalubog ang top-seeded Suns. Umabante ang Mavericks ng hanggang 46 points at umusad sa West finals sa unang pagkakataon magmula nang manalo sa 2011 NBA Finals.
Makakaharap ng Dallas ang third-seeded Golden State Warriors sa conference finals. Nakatakda ang Game 1 sa Miyerkoles ng gabi sa San Francisco.
“I don’t know what to say but this was an amazing team win,” wika ni Doncic matapos ang laro.
“Everybody was locked in, everybody was playing as hard as they can. We didn’t take one play off. This is an incredible team win.
“I’m going to enjoy this win tonight, and tomorrow we will think about Golden State.”
Umiskor si Devin Booker ng 11 points sa 3-of-14 shooting sa kanyang unang career Game 7 para sa Suns, na nagwagi ng NBA-best 64 games. Ito rin ang ranchise record.
CELTICS 109,
BUCKS 81
Tumipa si Grant Williams ng 27 points at sinibak ng Boston Celtics ang reigning champion Milwaukee Bucks sa 109-81 game seven victory sa kanilang NBA Eastern Conference series.
Nanalasa si Celtics forward Williams sa three-point range sa TD Garden at naisaayos ng Boston ang conference finals showdown sa Miami Heat sa 4-3 series win.
Tumapos si Bucks star Giannis Antetokounmpo na may 25 points, 20 rebounds at 9 assists para sa Milwaukee.
Subalit ang three-point shooting accuracy ng Celtics ang nagbitbit sa kanila sa panalo kung saan nakumpleto ng Boston ang pagbangon mula sa 3-2 deficit sa best-of-seven series.
Nagpakawala ang Boston ng 22 of 55 sa three-point area, habang ang Milwaukee ay nakapagbuslo lamang ng 4 of 33 attempts mula sa arc.
Pinangunahan ni Williams ang three-point blitzkrieg na may pitong tres sa kanyang 27-point haul. Nagtala si Jayson Tatum ng five-of-nine threes upang tumapos na may 23 points.
Nagdagdag si Payton Pritchard ng apat na three-pointers mula sa bench sa kabuuang 14 points.
Isang Milwaukee player lamang — Bobby Portis — ang gumawa ng multiple three-pointers. Tumapos si Portis na may dalawa sa kanyang 10-point haul.