MABILIS nang makararating ang mga bumibiyahe sa katimugang bahagi ng Quezon Province patungong Kabikulan dahil sa binuksang bypass road sa Ikaapat na Distrito ng lalawigan.
Nitong Biyernes ay pormal na binuksan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang 6.053 kilometrong Lopez Bypass Road Project na magpapagaan sa Manila South Road-Daang Maharlika Highway.
Dinaluhan ni Congresswoman Angelina “Helen” D.L. Tan ng Quezon 4th District, DPWH Region 4A Director Samson Hebra, Lopez Mayor Rachel A. Ubana at iba pang local chief executives ng Quezon ang pagbubukas ng road project.
Ayon kay Secretary Villar, ang P718 million Lopez Bypass Road Project ay isang option sa mga motorista kaysa dumaan sa town centers sa matrapik na Manila South Road.
“In the past three (3) years of the President Rodrigo Roa Duterte administration, the government thru DPWH facilitated the speed up of travel time of motorists by diverting traffic out of the Poblacion area along major highways by constructing diversion or bypass roads such as Lopez By-pass Road”, saad ni Villar.
“Improving access in major roadways is a key factor in the economic growth of our country. We in the department will continue to put prime importance on these high-impact road projects as they play a crucial role in our holistic development,” dagdag pa ng kalihim.
Ang pagmamaneho sa mga barangay ng Del Pilar, San Lorenzo, bahagi ng Peñafrancia, Danlagan, Bacungan at Canda Ilaya, ang pagkuha ng road-of-way, earthworks, kongkreto na pang-agos, at pagpapatapon ng tubig at proteksyon para sa proyekto ng bypass ay sinimulan noong Mayo Noong 2015 kasama ang DPWH Regional Office 4A sa pangunguna ni Director Hebra at Quezon 4th District Engineering Office sa pamumuno ni District Engineer Celestial Flancia na namamahala sa implementasyon nito.
Mapabibilis na rin ang paghahati ng serbisyo ng gobyerno at ng pribado dahil sa bypass road.
Comments are closed.