C-130 BUMAGSAK: 31 PATAY, 54 SUGATAN

SULU -NAGDADALAMHATI ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng malagim na pagbagsak ng isang air asset ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu kahapon.

Sa sketchy report na nakarating sa Camp Aguinaldo, 31 katao ang nasawi habang 54 iba pa ang sugatan sa pagbagsak ng C-130H “Hercules” transport aircraf sa Brgy. Bangkal.

Labimpito naman ang patuloy na hinahanap.

Sa nasabing casualties, 29 ay labi ng military personnel na lulan ng Cargo plane habang may dalawang sibilyan ang namatay at apat pa ang nasugatan.

Kinumpirma ito ni AFP Chief of Staff, Gen. Cirilito Sobejana.

Alas-11:30 ng tanghali nang bumagsak ang C-130H “Hercules” transport aircraft na may lulang 96 AFP personnel na kinabibilangan ng tatlong piloto at 5 crew habang ang nalalabi ay mga tauhan ng Philippine Army.

Sinabi ni Sobejana na inihahatid ang tropa patungong Cagayan subalit sa kasamaang palad ay bumagsak ang cargo plane.

“Kaninang 11: 30 a.m., one of C-130s while transporting our troops from Cagayan De Oro, namiss nya yung runway, trying to regain power, at hindi nakayanan bumagsak dun sa may Barangay Bangkal, Patikul, Sulu, sa inisyal na ulat ng heneral.

Agad naman nagpahatid ng pakikidalamhati si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kaanak ng mga biktima.

Kinumpirma rin nito na galing sa pagsasanay ang mga personnel ng Army at ihahatid na sana mula sa Cagayan de Oro nang maganap ang trahedya. VERLIN RUIZ

Comments are closed.