PAMPANGA – AGAD na ipinag-utos ni Philippine Air Force chief Lt. Gen. Rozzano Briguez na imbestigahan ang pagliyab sa isang bahagi ng PAF C-130 cargo plane na may sakay na 122 katao kahapon.
Ayon kay PAF spokesman Maj. Aristides Galang, bandang alas-7:10 ng umaga habang pa take-off sana ang eroplano sa Clark International Air-port, ay agad na napuna ang makapal na usok kaya agad na naitabi ang eroplano.
Ayon kay Galang, nagsimula ang apoy sa may landing gear o “ holding point ng 20 left” (ayaw ipaliwanag kung ano yung holding point 20 left) ng eroplano.
Agad din naman aniyang naapula ang apoy at wala namang nasaktan sa insidente.
Dinala agad sa maintenance hub ng Air Force ang C-130.
Nabatid na may 7 crew at 115 pasahero na pawang Master in National Security Administration students ng National Defense College of the Philip-pines ang sakay ng eroplano .
Patungo sana ang mga mag-aaral sa Palawan particular sa Spratly (Pagasa) na bahagi ng kanilang pag aaral ng maganap ang insidente. VERLIN RUIZ
Comments are closed.