C-130 NG PAF GINAMIT NA SA RELIEF OPS

NAI-TRANSPORT  na ng Philippine Air Force (PAF) ang mga tulong na kinakailangan para sa mga apektado ng Bagyong Odette sa Cebu.

Ayon kay Lt. Col. Maynard Mariano, Spokesperson ng Philippine Air Force, dumating kahapon sa Cebu ang kanilang C-130 aircraft.

Laman nito ang ibat -ibang relief goods kasama ang mga sako ng bigas, galon ng tubig at mga delata.

May karga din itong ang mga non-food item tulad ng tent, toiletries, mga donasyong damit at maging generator set.

Ipamamahagi ang mga relief goods sa apektado ng bagyo sa Visayas region at Northern Mindanao.

Samantala, bukod sa relief operations, tiniyak ng Air Force na patuloy pa rin ang kanilang search and rescue operations.

Handa umano silang magsagawa ng airlift para lang makapaghatid ng tulong. REA SARMIENTO