C-130 NG PAF MULING NAKALIPAD SA SULU

NAKALIPAD muli ang isa sa C 130 plane ng Philippine Air Force (PAF) ilang buwan matapos ang malagim na aksidente ng pagbagsak ng Lockheed C 130 Hercules na may tail number 5125 noong Hulyo 4, 2021 sa Sulu.

Ayon kay Lt Gen Alfredo Rosario Jr. Commander ng AFP Western Mindanao Command, nitong Disyembre 10, 2021 ay nakalapag muli ang C 130 plane sa Jolo, Sulu kung saan isinakay nito ang 65 military personnel, na pinayagang mag avail ng holiday breaks simula sa Disyembre 13, 2021.

Sakay din ng lumipad na C130 plane ang tatlong dependent ng mga sundalo at dalawang sibilyan.

Sinabi ni Rosario, ginawa nila pagpapauwi sa mga sundalong ito upang makasama ang kanilang pamilya ngayong Pasko matapos ang ilang buwan nang walang bakasyon sa kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Rosario na ginamit na nila ang kanilang isa sa dalawang C 130 plane ngayon para mawala na ang trauma dulot ng pagbagsak ng C 130 plans kamakailan na ikinasawi ng 50 sundalo at tatlong sibilyan. REA SARMIENTO