C-295 AIRCRAFT NG ROYAL BRUNEI AIR FORCE TUTULONG SA PH DISASTER RESPONSE EFFORTS

DUMATING sa Col. Jesus Villamor Air Base nitong Oktubre 27 ang C-295 aircraft na tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) mula sa Royal Brunei Air Force (RBAirF) na nagpapakita ng makabuluhang pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Gagampanan ng eroplano ng Brunei ang mahalagang papel sa pagpapahusay ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations ng PAF habang ito ay tumutulong sa mga relief operations sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Ang karagdagang eroplano ay nagpapalakas sa kakayahan ng PAF na maabot at masuportahan ang mga apektadong komunidad sa pagbibigay ng mahahalagang suplay at tulong.

Taos-pusong nagpapasalamat ang PAF sa Royal Brunei Air Force para sa kanilang suporta sa panahong ito ng krisis.

RUBEN FUENTES