C19 DELTA VARIANT PATIENT SA BULACAN NAKAREREKOBER NA

KINUMPIRMA ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang unang kaso ng COVID-19 Delta variant sa kanilang lalawigan sa pag-arangkada ng Bulacan Accelerated Vaccine Roll-out program sa bayan ng Pandi, kung saan sa may 180 na nabakunahan ng Janssen Ad26.CoV2.S mula sa A3 category priority Barangay Cacarong Bata.

Sa ulat ni Dr. Hjordis Marushka Celis, PTF Response Cluster Head, ang naturang indibidwal na nagpositibo sa Delta Variant ay mula sa bayan ng San Ildefonso na ngayon ay halos nakarekober na.

Aniya, dapat na nakatuon sa pagtiyak na ang sistema ng pangangalaga ng kalusugan ay handa anumang uri ng quarantine ng komunidad.

Iginiit nito ang pagpapatupad ng “accordion policy” upang maghanda para sa pag-akyat ng bilang ng mga nagkasakit ng COVID-19, na kung saan ay ang prinsipyo ng conversion at re-conversion na tumutukoy kung dapat i-convert ng isang ospital ang mga regular na kama para sa mga kama ng ICU.

“This is to help manage cases and save lives by ensuring that there are enough beds for critical and severe cases,” ayon pa sa doktora.

Matapos magtala ng unang kaso ng Delta variant, sinabi ni Fernando noong Hulyo 29 na mas paiigtingin ng PTF sa COVID-19 ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR).

Kaugnay nito’y na alarma ang probinsya sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa kabila ng patuloy na programa sa pagbabakuna ng Pamahalaang Panlalawigan.

Naitala ng PHO ang 290 COVID-19 na kaso, 170 dito ay mga sariwang kaso.

Sa datos ng PHO na mula sa 42,235 na kabuuang kumpirmadong kaso noong Hulyo 21, ang bilang ay umakyat sa 43,377 noong Hulyo 28. Ngunit ang paggaling mula sa COVID-19 ay nagpapanatili ng magandang bilang nito sa 41,114 habang ang kabuuang bilang ng mga namatay ay 926.

Ang limang pinakamataas na kaso ng COVID-19 ay naitala sa mga lungsod ng San Jose Del Monte, Malolos, Sta Maria, Meycauayan, at Marilao.

Bunsod nitoy umapila si Fernando sa mga Bulakenyos na mahigpit na sundin ang minimum public health standards kapag lumalabas sa kanilang mga tahanan. THONY ARCENAL

6 thoughts on “C19 DELTA VARIANT PATIENT SA BULACAN NAKAREREKOBER NA”

Comments are closed.