CA APRUB SA PAGTATALAGA KAY GIBO SA DND

KINUMPIRMA  ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkoles ang ad interim appointment ni Gilberto Teodoro Jr. bilang kalihim ng Department of National Defense (DND).

Ito ay matapos iendorso ng CA committee on national defense ang kanyang appointment.

Tanging si Senador Risa Hontiveros lamang ang nagtanong kay Teodoro sa pagdinig.

Ipinahayag ni CA Majority Leader at Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte na hindi magtatanong ang contingent mula sa House of Representatives tungkol sa appointment ni Teodoro dahil nakatrabaho nila ang Cabinet official noong siya ay kongresista ng Tarlac.

Noong Hunyo, pinangalanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Teodoro bilang bagong DND secretary. LIZA SORIANO