ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Associate Justice Jose Reyes Jr., bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Si Reyes ang pumalit sa puwesto ng nagretirong Supreme Court Associate Justice na si Presbitero Velasco.
Siya na ang ikalimang naitalaga sa Korte Suprema ni Pangulong Duterte mula nang maupo sa Palasyo.
At sa darating na Lunes, Agosto 13 ay nakatakdang manumpa si Reyes kay Pangulong Duterte.
Nagtapos ng law si Reyes sa San Beda College na alma mater din ng Pangulo.
Napag-alaman, bago maging Associate Justice ng Court of Appeals, nagsilbi si Reyes sa Pasig City Regional Trial Court at Rizal Regional Trial Court.
Comments are closed.