CA PANEL ININDORSO ANG KUMPIRMASYON NG DAR CHIEF

INENDORSO  ng Commission on Appointments (CA) committee on agrarian reform ang kumpirmasyon ng ad interim appointment ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.

Ginawa ang rekomendasyon matapos ang pag-urong ni Senador JV Ejercito para sa pag-endorso ng appointment ni Estrella sa plenaryo ng CA.

Ito ay pinangunahan ni Pangasinan 5th District Representative Ramon Guico Jr.

Bago ito, nagpahayag ng suporta sina Senators Cynthia Villar at Francis Tolentino at Congressman Rodante Marcoleta sa kumpirmasyon ng appointment ni Estrella.

Sa pagdinig ng panel ng CA, sinabi ni Estrella na wala siyang tutol sa anumang land conversion hangga’t hindi pa sumasailalim sa irigasyon ang kinauukulang lupain.

Ang posisyon na ito ay naaayon sa utos ni Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I have no objection so long as the land to be converted is not irrigated because that is the instruction of the president. If it irrigated or irrigable, do not convert,” aniya.

“Now, if it is in the highly-urbanized areas and already ripe for commercial or residential or industrial purposes, which will open up or create additional employment and business and livelihood opportunities for our people, why not?” dagdag niya. LIZA SORIANO