CAAP HANDA NA SA “OPLAN BIYAHENG AYOS”

CAAP

IKINASA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang “OPLAN BIYAHENG AYOS: UNDAS 2018,” na nagsimula kahapon at magtatapos hanggang Nobyembre 5 bilang pagsunod sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pa­liparan sa bansa sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day holiday.

Ayon sa CAAP,  taon-taon pinaghahandaan nila itong selebrasyon ng Undas dahil sa isa ito sa buwan na tumataas ang bilang ng mga pasaherong papasok at palabas  sa mga paliparan .

Batay sa record ng CAAP, noong nakaraang taon umabot sa 5,405,889 pasahero ang naitala sa domestic, habang  3,397,328 sa International flight.

Sa Ilalim ng “OPLAN BIYAHENG AYOS: UNDAS 2018”, karagdagan na security measures ang kailangan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga pasahero sa 44 commercial airports sa loob ng sampung araw.

Inatasan na rin ng pamunuan ng CAAP ang apat (4) na cluster heads na may hawak ng  40 Commercial Airports na ipatupad ang “No leave or absence policy” habang isinasagawa ang operation plan All Saints day.

Inihayag ng ahensiyang ito na ang Cluster 3 na kinabibilangan ng Bicol, Eastern Visayas, at Caraga Region na nakahandang maglaan ng tulong sa may libo-libong  papaalis at paparating na mga pasahero sa kanilang lugar.

Naglagay na rin ng mga help desks sa Passenger Terminal Buildings ng 3 hangang 4 na personnel kasama ang Security (CSIS & PNP-AVSEU I) at medical personnel na tutulong sa mga pasahero.

Gayundin, nakipag-coordinate na ang CAAP sa Office for Transport Security (OTS) para sa baggage screenings at PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP) para naman sa seguridad ng bawat pasahero.

Kaya’t ipinag-utos ng CAAP sa mga pasahero na iwasang magdala ng ipinagbabawal na gamit o bagay  sa mga airport upang maiwasan ang pagkaantala ng kanilang paglalakbay.  FROILAN MORALLOS

Comments are closed.