CAAP NAG-ISYU NG NOTAM SA CHINA ROCKET DEBRIS

NAG-ISYU ng Notice to Airmen B3736/22 (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bilang paghahanda sa pagbagsak ng rocket debris na inilunsad ng China nitong Disyembre 29 sa Xichang Satellite Launch Center Xichang, Sichuan Province.

Ayon sa ipinalabas na advisory ng Philippine Space Agency (PhilSA), ang babagsakan ng mga debris ay nasa bisinidad ng Recto Bank (West Philippine Sea) o nasa 137 kilometers mula sa Ayungin Shoal at 200 kilometers mula sa Quezon, Palawan.

Inabisuhan ng PhilSA ang mga residente sa mga lugar na posibleng bagsakan ng debris na maging alerto, at mapagmatyag.

Nakassad sa naturang NOTAM na ipinagbabawal sa mga eroplano na dumaan sa air space ng Pilipinas na babagsakan ng mga rocket debris.

Batay sa impormasyon, nababahala ang pamahalaan na bumagsak ang debris sa inhibited land sapagkat delikado umano ito, o mapanganib sa aircraft at mga sasakyang pandagat. Froilan Morallos