CAAP NAGLABAS NG NOTAM

CAAP

NAGPALABAS ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) mula kahapon Oktubre 17 hanggang Oktubre 19 matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Mayon Volcano sa alert level 2 nitong nakalipas na araw.

Layon nito na maiwasan ang anumang maaaring sapitin o insidente sa mga eroplanong dadaan malapit sa bunganga ng Mayon Volcano.

Nakasaad sa NOTAM na mahigpit na ipinagbabawal na bumaba sa 10,000 feet mula sa bunganga ng bulkan para makaiwas sa biglang pagbuga nito sapagkat, hazardous ito sa mga aircraft.

Inabisuhan na rin ng PHIVOLCS ang mga naninirahan sa paligid ng bulkan na maging alerto sa anomang ipag-uutos ng lokal na pamahalaan kapag tumaas pa sa alert level 4 o biglang alburuto ng Mayon. FROILAN MORALLOS