CAAP NAKISAKAY SA “NO VAX, NO RIDE” POLICY NG IATF

Sec-Arthur-Tugade

NAKI-RIDE on ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na ‘No Vaccination, No Ride’ policy na ipinalabas kamakailan, upang mapigilan ang hawahan ng Omicron variant sa bansa.

Ang ‘No Vacination, No Ride’ policy ng DOTr ay patungkol sa mga hindi bakunadong Pilipino upang maiwasang magbiyahe o sumakay sa lahat ng uri ng panghimpapawid at pampublikong sasakyan habang tumataas ang kaso ng Omicron variant sa bansa.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ito ay isang paraan para malimitahan ang mananakay sa mga pampublikong sasakyan at maengganyo na magpabakuna ang mga hindi pa bakunadong mga Pilipino.

At maliban dito para maprotektahan din ang kalusugan ng bawat mamamayan, at maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant sa ibat-ibang lugar sa buong kapuluan.

Bilang pagsang-ayon sa naturang kautusan ay nagkansela ang ilang airline companies ng kanilang mga dometic flight sa ibat-ibang lugar sa bansa. FROILAN MORALLOS