ISINUSULONG ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang paglalagay ng cable cars bilang solusyon sa lumalalang lagay ng trapiko sa bansa.
“There are also conversations that I have not forgotten about the cable car,” pahayag ni Tugade sa Asia CEO Forum sa Pasay City.
Ayon kay Tugade, isinasapinal na ng kanyang tanggapan ang ilang detalye ng plano.
Aniya, isusulong niya na hindi malayo ang magiging pamasahe sa cable car sa pamasahe sa iba pang public utility vehicles tulad ng dyip, bus at Metro Rail Transit (MRT). “I want the rate of the cable car more or less parallel with the rates of the jeepney, the bus, the taxi, LRT, and MRT. I don’t want a rate that is high so that, you know, the public can benefit,” sabi pa ng kalihim.
Bago nanungkulan ang administrasyong Duterte noong Hunyo 2016, sinabi ni Tugade na nakikipag-usap sila sa isang kompanya na gumagawa ng cable cars para sa Bolivia.
Target ni Tugade na simulan ang cable car sa Pasig City na may kapasidad na 35 pasahero kada kotse.
Bukod sa cable cars, sinabi pa ng kalihim na isinasapinal na rin ng DOTr at ng Asian Development Bank ang mga detalye para sa elevated ‘walkalator’ na itatayo sa Ortigas sa Pasig City at sa Market! Market! Mall sa Taguig City.
Inaasahan aniyang matatapos ang konstruksiyon nito sa loob ng isa’t kalahating taon.
Comments are closed.