CACAO INDUSTRY PALALAKASIN

TUTUTUKAN ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalakas sa local cacao industry, sa pamamagitan ng High Value Crops and Development Program (HVCDP) nito at ng iba pang operating units.

“Some of the cacao trees are now being cut because farmers are not making much money from cacao since they do not really know how to process it after harvesting,” paliwanag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu P. Laurel, Jr. sa kanyang pagbisita sa Filipinas Cacao Heritage Reserve noong Marso 5, 2024.

Sinabi ni Laurel na palalakasin ng ahensiya ang  cacao industry upang matulungan ang 74,428 Filipino cacao farmers.

Ang mga inisyatibo ng programa ay kinabibilangan ng pagkakaloob ng cacao planting materials at farm inputs, pagsasagawa ng capacity-building initiatives para sa cacao farmers at extension workers, pagtatayo ng cacao technology demonstration sites, pamamahagi ng farm machineries and equipment, at konstruksiyon ng irrigation facilities.

Binisita ng kalihim at ni Ambassador of Israel to the Philippines Ilan Fluss ang 13-hectare cacao farmland sa Barangay Bunggo, Calamba, Laguna at sinaksihan ang best agricultural practices at innovations para sa local cacao.

“The Filipinas Cacao Heritage Reserve is a 13-hectare cacao farmland in Barangay Bunggo with about five hectares of productive area. Since 2022, it has partnered with the Embassy of Israel in the Philippines for the provision of technical assistance. It employs a team of licensed Filipino agriculturists, foresters, agricultural and biosystems engineers, and agri-technicians under the mentorship of Israeli experts in cacao production,” ayon sa DA.

Ang pagtutulungan ay nagresulta rin sa matagumpay na rehabilitasyon at pagbuhay sa 90-year-old Criollo cacao tree sa Barangay Bunggo, na ayon sa local historical accounts ay nagmula sa Mexico. Ang puno ang pinagkukunan ngayon ng planting materials ng cacao farm.