CADET CORPS PALALAKASIN NG BAGONG PNPA DIRECTOR

SA pag-upo ni bagong Philippine National Police Academy Director Maj. Gen. Alexander Sampaga, inaasahan ang paglakas ng Cadet Corps ng nasabing institusyon.

Nitong Setyembre 29 ay nag-assume na bilang PNPA director si MGen. Alexander Sampaga kapalit ni MGen. Rhoderick Armamento.

Pinangunahan ni PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt.Gen. Joselito Vera Cruz ang turn-over of command ceremony sa Camp General Mariano Castañeda, Silang, Cavite.

Sa mensahe ni Vera Cruz, ang huling insidente na pagkamatay ni Cadet 3rd Class George Karl Magsayo ay hindi madali para sa lahat lalong lalo na sa Cadet Corps.

Inamin ni Vera Cruz na layon ng pagpapalit ng liderato sa akademya ay para ilagay sa tamang perspektibo ang lahat at magsisilbi na rin itong “wake-up call” sa Pambansang Pulisya para tutukan ang “concern issues” nang sa gayon hindi na ito mangyari pa sa hinaharap.

Sinabi pa ni Vera Cruz, ang PNPA ay hindi isang regular na educational institution kundi isa itong leadership school kung saan ang mga estudyante ay hinuhulma para maging mga future law enforcers at public servant.

Kumpiyansa ang heneral na magagawa ni Sampaga na impluwensiyahan ang mga kapwa “Lakans” para panatilihin ang core values ng institusyon.

Si Sampaga ay miyembo ng PNPA Class 1989 na dating pinuno ng PNP Directorate for Information and Communications Technology (DICT).

Binati naman Vera Cruz, si Armamento sa lahat ng nagawa nito para dalhin ang PNPA sa Global Arena of Police Academies.

Si Armamento ang nasa likod ng PNPA PANATA 2050 Thrust.

Ang nasabing programa ay nakatuon sa facilities and logistical improvements ng PNPA.
EUNICE CELARIO

3 thoughts on “CADET CORPS PALALAKASIN NG BAGONG PNPA DIRECTOR”

  1. I’m writing on this topic these days, casinosite, but I have stopped writing because there is no reference material. Then I accidentally found your article. I can refer to a variety of materials, so I think the work I was preparing will work! Thank you for your efforts.

Comments are closed.