SULTAN KUDARAT- NASA kustodiya na ng awtoridad ang apat na drug suspects na itinuturing na high value target kabilang ang isang miyembro ng CAFGU ng 30th Infantry Battalion Philippine Army, matapos maaresto sa isinagawang operasyon sa bayan ng Esperanza.
Ayon sa Intelligence Operatives ng Esperanza PNP, nahuli nila sa aktong pagpa-pot session ang mga suspek sa isang residential house sa Purok Bagong Silang, Silyaw, Esperanza.
Kinilala ng Esperanza-PNP ang mga suspek na sina Daryl Salbalosa, Ian Dexter Maporo, 34- anyos, Julito Monte Alegre, at Rany Aben, 40-anyos, residente ng Maguindanao.
Itinuturing naman na mga high value target ang mga suspek.
Narekober sa mga ito ang apat na empty sachet, improvised lighter at malalaking sachet na hindi pa nabubuksan na pinaghihinalaang ilegal na droga.
Sa ngayon inihahahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.