CAFGU TIMBUWANG SA BAKBAKAN

CAFGU

COMPOSTELLA VALLEY – PATAY  ang isang miyembro  ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) matapos ang bakbakan ng militar at mga rebelde sa Laak.

Kinilala ang nasawing active auxi­liary ng CAFGU na si Cherwyn Paragoya na tumutulong sa tropa ng 60th Infanty batallion nang makasagupa ang nasa  25 miyembro ng New People’s Army sa ilalim ng Guerilla Front 33.

Ayon kay 1st Lt Amadeuz Celestial, Civil Military Operation Officers ng 60th Infantry Batallion ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, tumagal nang halos 1 oras ang palitan ng putok kung saan dahil sa tagal ng bakbakan ay kinailangan pang magbigay ng close air support ang Philippine Airforce Tactical Operations Group 11.

Tumakas ang mga rebelde sa papalayong direksiyon na pinaniniwalaang may mga tinamong sugat base na rin sa mga nakitang dugo sa kanilang mga dinaanan.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng militar laban sa mga nakasagupang NPA. REA SARMIENTO

Comments are closed.