CAGAYAN DE ORO TOP COLLECTOR

GUMUHIT ng kasaysayan sa pagkolekta ng buwis ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Cagayan De Oro City Regional Office, ayon sa esdatistikang ipinalabas ng Department of Finance (DOF).

Nahigitan ng CDO ang 2021 tax collection goal na P926,189,999.70 nang makapagrehistro ng P1.120,406,065.15 ngayong 2022 o tumaas ng 21.94% sa P82,840.065.15.

Ang tax goal ng BIR ngayong 2022 fiscal year ay umaabot sa kabuang P3.312 trilyon, mas mataas ng 12.9 percent kung ihahambing sa nakaraang 2021 fiscal year.

Ang tax collections ay iniulat kina BIR Commissioner Lilia Guillermo at BIR Deputy Commissioner for Operations Romeo Lumagui, Jr. nina Cagayan De Oro City BIR Regional Director Emir Abutazil at Assistant Director Rufo Ranario.

Ang mahusay na tax collection performance ay sanhi ng masigasig na pagkolekta ng buwis nina Revenue District Officers Judith Pacana (Guingoog City), Gledonio Teope, Jr. (Cagayan De Oro City), Mampay Pangcoga (Malaybalay City), Ma. Jonele Faune (Osamis City) Amanoding Esmail (Iligan City) at Monib Dimalomping (Marawi City.

Ang ipinamalas na magandang tax collection performance ng Cagayan De Oro City, ayon sa estadistika, ay kauna-unahan sa kasaysayan ng mga regional office sa labas ng Metro Manila.

Una nang pinapurihan nina Finance Secretary Benjamin Diokno at Commissioner Guillermo ang ipinamalas na magandang tax collection performance nina Metro Manila Regional Directors Jethro Sabariaga (South NCR), Albin Galanza (City of Manila) Edgar Tolentino (East NCR), Dante Aninag (Makati City), Gerry Dumayas (Caloocan City) at Bobby Mailig Quezon City).

Naniniwala sina Secretary Diokno at Commissioner Guillermo na sa magandang tax collection performance na ipinamamalas ng mga key official ng BIR ay makukuha nito ang inaasam na tax collection goal na P3.312 trilyon ngayong taon.

Sa hanay ng Revenue District Officers sa Metro Manila na unti-unting nakakamit ang kanilang tax goal ay nangunguna sina Antonio Mangubat (East Bulacan), Timm Renomeron (Caloocan City), Arnulfo Galapia (Tondo-Sanicolas), Teresita Lumayag (Binondo), Rebe Detablan (Sta. Cruz), Gina Resultay (Quiapo-Sampaloc), Linda Grace (Ermita-Intramuros), Joe Luna (Puerto Prinsesa-Palawan), Rodel Buenaobra (Novaliches), Abdullah Bandrang (QC-North), Januaric Girang III (OIC-South), Alma Cayabyab (Cubao), Cynthia Lobo (Mandaluyong), Deogracias Villar, Jr. (Pasig City), Emilia Combes (Marikina City), Bethsheba Bautista (West Makati), Renato Mina (Taguig), at Feliz Roy (Muntinlupa).

Sinisikap naman ni BIR Asistant Commissioner for Large Taxpayers Maridur Rosario na makuha ang iniatang sa kanyang tax goal matapos na bumagsak ang kanilang koleksiyon sanhi ng suspension ng tax audit and investigations na iniutos ni former BIR Commissioner Caezar ‘Billy’ Dulay.

Naniniwala si Rosario na sa maigting na kampanya nila sa mga iniimbestigahang 1,5000 large taxpayers sa buong bansa ay makakamit din nila ang tax goal bago matapos itong taong 2022.

Ang LTS ang nag-iimbestiga sa 1st 5,000 big-time corporations sa bansa kung saan ang 60% ng kabuuang tax goal ng BIR ay ito ang may mandatong kumolekta habang ang 40% collections ay mula sa regional at district levels o yaong tinatawag na medium and small taxpayers sa bansa.

Kumpara noong taong 2020, bago pumutok ang COVID-19 pandemic, ang LTS ay nakakolekta ng P128.59 bilyon, sumobra pa sa adjusted target na P113.64 bilyon ng hanggang P14.95 bilyon o 13.15% ang increase kumpara sa 2019 collections.

Dahil marami sa hanay ng mga regional director at revenue district officers sa bansa ang bigong makuha ang kani-kanilang tax goal, nagbabala ang BIR chief na sa sandaling magpatuloy pa ang pagwawalang-bahala ng mga opisyal na maitaas ang kanilang koleksiyon ay malamang na kung hindi sila maalis sa puwesto, mapalitan o malagay sa ‘freezing capacity’ ay tuluyan silang masibak sa puwesto.

Ang balasahan sa BIR ay magpapatuloy, ayon sa source, dahil tatlo sa mga regional director ang nakatakdang magretiro at ilan din sa mga RDO ay nakatakdang palitan sa puwesto.

(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].)