CAGUIOA DAPAT NANG MAGRETIRO

on the spot- pilipino mirror

MAGANDA ngayon ang ipinakikita ni Art dela Cruz sa kampo ng Barangay Ginebra. Kapansin-pansin na maganda ang playing time na ibinibigay sa kanya ni coach Tim Cone. Katunayan, mas maganda pa ang exposure nito kumpara kay Scottie Thompson. Hindi naman nabigo si coach Cone kay Dela Cruz dahil sulit naman ang performance niya tuwing maglalaro siya sa gitna ng  court.

Mas humusay pa si Art noong panahon na naglalaro ito sa San Beda Red Lions. Matapang, walang takot na nakikipagsabayan sa kapwa kapuwestuhan niya sa loob ng court. Sa totoo lang ha, manang-mana si Art sa kanyang tatay na dating player ng SMB na si Art dela Cruz. Sa mga hindi nakakaalam, dating naglalaro sa Blackwater Elite si  Art. Nagkaroon siya ng knee injury at kahit nasa reserve list ay kinuha ito ng Gin Kings. Knowing coach Cone, alam nito ang kapasidad ng isang basketbolistang mahusay. Keep it up, Art dela cruz.



Wala pa kayang planong mag-retire si Mark Caguioa? Wala na siyang dapat patunayan pa sa kanyang basketbal career. Naging MVP na siya, at maraming  beses na rin siyang nakapaglaro sa ALL-STAR GAMES ng PBA. Marami na rin siyang awards na nakuha.

Sa mga laro ng Ginebra, madalang pa sa patak ng ulan kung siya’y gamitin ni coach Tim Cone. Kahit malaki na ang kalamangan ng team sa kalaban ay ‘di pa rin siya ginagamit ni coach. Isinisigaw na nga ng Ginebra fans ang pangalan ni Caguioa pero bingi si coach Cone para ipasok o paglaruin si Mark. Hanggang kailan matitiiis ni Caguioa ang ganitong sitwasyon? Mas maganda na mag-retire siya sa paglalaro na mabango pa rin at tinitingala ang pangalan niya.

May nakapagbulong sa akin na posibleng isama sa coaching staff ng Ginebra si Caguioa. Pero kailan? Nauna pa si Joe Devance na pansamantalang isinama ni Tim Cone sa coaching staff ng Ginebra team at ng National Team. Kailan kaya magreretiro si Caguioa?



Speaking of Joe Devance, itinalaga ni coach Tim si Devance bilang assistant coach ng Ginebra. Ang husay magdala ng damit ni Joe, daig pa nga niya si coach Cone dahil ternong Amerikana ang suot suot nito. Nakikita naman namin na everytime na nagbibigay ito ng player sa mga teammates at pinapansin naman si devance.  Happy umano ang player sa kanyang bagong papel sa koponan habang nagpapagaling ng iniury.

Nagkakainteres si coach Louie Alas, ang dati niyang coach, na kunin ang kanyang kalibre lalo na’t inilagay na lang siya sa coaching staff ng team. Pero sinabi ni coach Tim na ibabalik din niya as a player si Devance kapag naka-recover na ito sa injury.