CAKE BUSINESS NI MARICAR REYES SURVIVOR SA PANDEMIC

KUNG karamihan sa mga small-to-medium enterprises (SMEs) ay nagsara sa panahon ng lockdown na dulot ng COVID-19 crisis, hindi ang cake business ng aktres na si Maricar Reyes.

For a time, kinailangan niyang pagpahingahin ang kanyang maliit na negosyo na Maricar’s Chocolate Cakes, pero panandaliang pamamahinga lamang ito. Heto uli sila at namamayagpag na naman sa bentahan.

Bago ang pandemya, sikat na ang Maricar’s Chocolate Cakes sa pagbebenta ng classic chocolate cakes, choco chunks, at coffee chunks sa SM Megamall, Artisan Baking Institute, at Tea 18 Store, bukod pa sa pagbebenta nila online.

Nang mag-pandemic, online lang muna ang natira, pero hindi pa rin sila huminto. Sa ngayon, bukas na uli ang mga datihan nilang outlets at may trabaho na naman ang kanilang staff.

Kung tutuusin, hindi naman bumaba ang kanilang sales kahit pandemic. Tuloy raw ang kanilang delivery mula Lunes hanggang Sabado. Sinisiguro lamang nilang libre ang araw ng Linggo dahil dahil inilalaan nila iyon sa pagsimba at iba pang religious activities.

Sa ngayon umano ay mas malaki pa ang kanilang delivery kesa dati. Tama talaga ang desisyon nilang huwag panghinayangan ang mawawalang benta dahil mas mahalaga talaga ang kaligtasan ng lahat.

Loyal din naman sa kanila ang kanilang staff, dahil nang muli silang nagbukas, hindi nabago ang lineup ng kanilang tauhan. Kasi naman, kahit nagsara sila, siniguro ni Maricar na may sweldo pa rin sila at groceries sa panahon ng lockdown. Kumikita naman umano sila sa online selling at nakaipon din kahit paano oong kalakasan ng negosyo.

Nayong okay na uli ang bentahan, may plano pa raw ang Maricar’s Chocolate Cakes na magbukas pa ng mas maraming stalls kaya abangan na lamang natin