CALABARZON COP PATAY SA COVID-19

MAKARAAN ang isang linggo, muli na namang nadagdaan ang bilang ng pulis na nasasawi dahil sa COVID-19, dahilan para pumalo na sa 109 ang fatalities sa Philippine National Police (PNP), hanggang kahapon, Setyembre 12.

Batay sa ulat ng PNP- Health Service, naka-assign sa Region 4A o CALABARZON ang panibagong bitkima ng CO­VID-19 at 37-anyos lamang.

Si Patient No. 109 ay may ranggong police master sergeant at nasawi noong Setyembre 9 bunsod ng Pneumonia and Acute Respiratory na lumalaba dahil sa COVID-19.

Batay sa kanyang medical record, Agosto 28, makaraan ang 22 araw ng unang dose nito ng bakuna ay nakaranas ang biktima ng mild symptoms ng COVID-19 at positibo sa RT-PCR test at Agosto 30 ay nahirapan na itong huminga kaya inilipat sa hospital.

Sampung araw makaraan ang confinement ay pumanaw ang pulis, ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleaazar.

Nakikiramay naman ang buong PNP sa sinapit ni Patient No. 109 habang tiniyak ni Eleazar na matatanggap ng mga naulila ng pulis ang karampatang benepisyo mula sa pamahalaan.
EUNICE CELARIO

118 thoughts on “CALABARZON COP PATAY SA COVID-19”

  1. You made some really good points there. I looked on the web
    for more information about the issue and found most individuals
    will go along with your views on this web site.

  2. 705758 848930Attractive part of content material. I just stumbled upon your internet site and in accession capital to claim that I acquire in fact enjoyed account your blog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you get entry to constantly quickly. 829735

Comments are closed.