Photo from Jude the Tourist
ATING balikan ang mga naging eksena sa makulay, masaya at dinumog na Calambagong Buhayani Festival Grand Parade sa lungsod ng Calamba nitong Hunyo 19 bilang bahagi ng ika-10 Buhayani Festival at selebrasyon ng ika-163 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal.
Sumali sa civic parade ang mga miyembro ng Iglesia Watawat ng Lahi, Boy Scouts of the Philippines, mga departamento ng pamahalaang lungsod ng Calamba sa pangunguna nina Mayor Roseller Rizal at Vice Mayor Angelito Lazaro Jr., pamahalaang lalawigan ng Laguna sa pangunguna nina Gobernador Ramil Hernandez at 2nd District Representative Ruth Mariano-Hernandez maging mga estudyante, kinatawan ng barangay at mga people’s organization sa lungsod.
Tampok sa grand parade ang 20 land float kung saan tampok na disenyo ang mga yugto sa buhay ni Rizal at kanyang mga akda.
Isinagawa rin ang Sayaw Indak competition kung saan nagtagisan sa pagalingan sa pagsayaw ang mga kabataang Calambeño.
RUBEN FUENTES