CALAX CONSTRUCTION ININSPEKSYON NG TRB

NAGSAGAWA ng regular na inspeksyon ang Toll Regulatory Board (TRB) kasama ang MPCALA Holdings Incorporated sa 14-kilometrong operational segment ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) kamakailan.

Ang inspectorate team ng regulator, na pinamumunuan ng TRB’s Officer-in-Charge Ms. Josephine T. Turbolencia, OIC Chief ng Regulation Division, Ms. Julita B. Bingco; Ang Deputy Chief of Regulation Division na si Joz Carlos G. Ordillano, at ang tagapagsalita na si G. Julius G. Corpuz ang tumingin sa mga teknolohikal, kaligtasan, at mga tampok ng seguridad ng expressway, mga operasyon ng toll plaza, kabilang ang mga Automatic License Plate Recognition (ALPR) camera at RFID system.

Bukod sa operational matters, sinuri rin ng TRB ang progreso ng nalalapit na Silang (Aguinaldo) segment ng CALAX, na nanatiling hindi natapos dahil sa mga isyu sa right-of-way (ROW) na kritikal sa pagkumpleto ng konstruksyon nito.

Kapag nakumpleto na, ang interchange ay 20 minuto lamang ang layo mula sa city proper ng Tagaytay, Cavite- ang ikalawang summer capital ng bansa, sa pamamagitan ng Aguinaldo Highway.

Sinabi ng MPCALA na ang kanilang government partner na Department of Public Works and Highways (DPWH) ay puspusan na sa usapin.

“Habang nakikipagtulungan tayo sa ating grantor, DPWH para mapabilis ang paghahatid ng right-of-way, lalo na sa critical area sa Silang, patuloy tayong gumagawa ng construction work sa mga lugar kung saan nabigyan na ng right of way para hindi lalong maantala ang proyekto,” ayon kay sabi MPCALA President Raul Ignacio.

Ang subsection 4 o ang Silang (Aguinaldo) segment ay nananatili sa 65% na pagkumpleto, habang ang kabuuang proyekto ng CALAX ay umabot sa higit sa 57%. Kapag nakumpleto na, kokonekta ang CALAX sa pinaka-abalang highway sa Cavite- ang Aguinaldo Highway at tutulong sa pag-decongest ng mga pangunahing daanan sa Cavite at Laguna.

Sa kalaunan, lalawak ang CALAX sa 45 kilometro at kokonekta sa CAVITEX.

Sa kasalukuyan, ang mga operational segment nito ay mula sa Mamplasan sa Binan, na may mga interchange sa Laguna Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road hanggang sa Silang East Interchange.
BETH C/ MARIVIC FERNANDEZ