CALAx LAGUNA SEGMENT INTERCHANGES BUBUKSAN NA

CALAX

NAKATAKDANG buksan para sa mga motorista ang Laguna Boulevard at Laguna Technopark interchanges ng Cavite-Laguna Expressway (CALAx) sa darating na linggo, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

“The opening is most likely, Monday or maybe this weekend we can open it already. We will coordinate with [MPCALA] on the exact time,” wika ni Villar sa isang virtual press briefing.

Sa kanyang panig, sinabi ni MPCALA Holdings Inc. president and general manager Roberto Bontia na ang dalawang  interchanges ng CALAx ay tapos na at hinihintay na lamang ng kompanya ang ‘go signal’ ng gobyerno para buksan ito sa mga motorista.

Samantala, inaprubahan na ng Toll Regulatory Board ang rates para sa Laguna Boulevard Interchange at Laguna Technopark Interchange.

Sa sandaling maging operational,  ang mga motorista ay makaka-access na patungo at palabas ng Laguna Technopark at magkakaroon ng alternatibong ruta sa at mula sa Nuvali via Laguna Boulevard at  South Boulevard, kaya luluwag na ang Santa Rosa-Tagaytay Road at iba pang  local service roads sa lugar.

Noong October 2019 ay binuksan ng MPCALA para sa mga motorista ang  Mamplasan Toll Barrier sa Santa Rosa-Tagaytay Interchange subsection ng CALAx.

Ang buong stretch ng CALAx ay may siyam na interchanges sa mga sumusunod na lugar: Kawit, Governor’s Drive, Aguinaldo Highway, Silang, Santa Rosa-Tagaytay, Laguna Boulevard, Laguna Technopark, at toll barrier bago ang South Luzon Expressway.

Isa itong 45-kilometer, four-lane expressway na magdurugtong sa Manila-Cavite Expressway sa Kawit City, Cavite sa South Luzon Expressway sa Mamplasan Interchange sa Biñan.

Comments are closed.