ITINALAGA ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Solicitor General Jose Calida bilang susunod na chairman ng Commission on Audit.
Ito ang inanunsiyo ni incoming Presidential Communications Secretary Trixie Cruz- Angeles.
Si Calida ay nagsilbing Solicitor General sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagsilbi rin si Calida bilang Undersecretary ng Department of Justice noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Naging executive director din ng Philippine Drug Enforcement Agency si Calida.
Samantala, si Jose Arnulfo “Wick” Veloso naman ang itinalaga bilang president at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS).
Si Veloso ay kasalukuyang presidente at chief executive officer (CEO) ng Philippine National Bank (PNB).
Nagsilbi rin si Veloso bilang CEO ng HSBC Philippines at unang Pilipino na nakahawak ng mataas na posisyon sa HSBC.
Nagsilbi rin si Veloso bilang presidente ng Bankers Association of the Philippines.
EVELYN QUIROZ