MAKATI CITY – ISANG call center agent na nahulihan ng 700 gramo ng cocaine at shabu ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng Makati City police Martes ng madaling araw.
Ang suspek ay nakilalang si Roberto Baltazar, 29, at nakatira sa Barangay Bangkal, Makati City.
Base sa imbestigasyon ng pulisya si Baltaz ay nahuli sa buy-bust operation ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit dakong 12:30 ng madaling araw sa Barangay Poblacion.
Nakuha mula sa suspek ang droga na nagkakahalaga ng P400,000; 3 plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P8,000, 45 kalibre ng baril, ammunition at mga drug paraphernalia.
Base sa pahayag ng pulisya, bago ang isinagawang buy bust operation laban kay Baltazar ay unang nahuli sa isa ring buy bust operation ng Pasay City police ang umano’y amo nito na hindi naman ibinunyag ng pulis ang pangalan. MARIVIC FERNANDEZ