CALL CENTERS LILIPAD SA MGA NEXT WAVE NA SIYUDAD

CALL CENTER-2

NAKATINGIN na ang mga kompanya ng BPO (business process outsourcing) sa susunod na tatlong taon na mag­dagdag ng mga opisina sa mga nag-uusbungang kalunsuran sa labas ng Maynila.

Sa kasalukuyan, may 10 lokal at international na BPO ang nag-expand na sa mga lungsod ng Baguio, Dagupan, Dasmariñas, Sta.Rosa sa Laguna, Ro­xas, Malolos, Taytay, Lipa at Naga City sa Bicol.

Ayon kay Santos Knight Frank, Chairman, na magtutungo ang BPO sa mga merkado na maraming edukado o lugar na mataas ang antas ng nakapag-aaral, at mababa ang labor costs kumpara sa Metro Manila, na makatitipid ang mga kompanya ng 30 porsiyento sa mga building at maintenance cost at halos kalahati sa labor.

Malaking pera diumano ang dadalhin ng mga BPO sa mga pro­binsiya kung saan da­rami ang mga middle income worker na karamihan ay nasa kanilang edad na 20 at 30 anyos, na kikita ng higit pa sa kinikita ng kanilang mga magulang na mag-aangat sa kanilang mga pamilya.  BENJARDIE REYES

Comments are closed.