CALOOCAN CITY NAGDIWANG DIN NG ARAW NG KASARINLAN

caloocan-city

IPINAGDIWANG ang 120th anniversary ng Araw ng Kalayaan na may temang “Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan” na ginanap sa bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Monumento Circle, Caloocan City.

Pinangunahan ni Mayor Oscar Malapitan, 1st District Cong. Along Malapitan, 2nd District Cong. Egay Erece, Vice Mayor Maca Asistio 111, Caloocan Police Chief P/Sr.Supt. Restituto ­Arcanghel at ni Danny Lim, Chairman ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang pagtaas ng watawat ng Filipinas, pag-alay ng mga bulaklak at pagpapalipad ng mga lobo sa naturang okasyon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Malapitan na isang daan at dalawampung taon na matapos ideklara ni Emilio Aguinaldo ang ating kalayaan mula sa mga mananakop na Kastila at sadyang mapagmahal sa ating kalayaan ang mga Filipino.

Pinasalamatan din nito ang mga bayani na sina Rizal, Bonifacio, Luna, Mabini, Aguinaldo, Jacinto, Del Pilar at libo-libong mga ninuno na nagbuwis ng kanilang buhay. EVELYN GARCIA

Comments are closed.