IWE-WELCOME ng Tabloids Organization in Philippines Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ang buwan ng Hulyo sa pagtalakay sa basketball, memory games at shooting ngayong umaga sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Sasalang ang SOCCSKSARGEN MARLINS, ang ika-31 koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), sa session upang talakayin ang kanilang tsansa sa Lakan Cup.
Ang Armor on Philippines ay suportado ng Marlins na pangungunahan ng major sponsors nila na sina playing team owner Kevin Espinosa, team manager Henry Serrano, conditioning coach Sonny Uy Aquino, team head coach Biboy Simon, at coaching staff Manny Toralba, Jake De Guia at Tons Mejia.
Tatalakayin din sa ‘Usapang Sports’ na magsisimula sa alas-10 ng umaga ang pagbubukas ng Ball-out Jopps Challenge kung saan ang founder nito ay si Cris Bautista, commissioner si L.A. Tenorio at deputy commissioners sina Bambi Sevilla at Alvin Bartolome.
Magiging panauhin din sina Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) president Alaric Topacio at board member Edwin Año upang pag-usapan ang kanilang plano para suportahan ang multiple shooting events. Inaanyayahabln ni TOPS president Ed Andaya ang lahat ng opisyal at miyembro na dumalo sa session na mapapanood via livestream ni actor/ director Carlo Maceda.
Posible nga bang makabalik na sa hardcourt si Calvin Abueva ng Phoenix Pulse Fuel Masters? Tsika namin ay nagmakaawa raw ang player para ma-lift na ang kanyang suspension kay PBA Commissioner Willie Marcial. Katunayan, gumawa umano ito ng apology letter. Sana naman, kasi mukha namang pinagsisisihan na ni Abueva ang kanya ginawang kalokohan. Ang indifinite suspension na ipinataw sa player ay malaking bagay para sa kanya at sa kanyang pamilya. Pati nga suweldo ni Calvin sa team ay suspended din. Paano na ang kanyang pamilya at mga anak na pawang nag-aaral? Tama na, sobra na.
Kapansin-pansin na nasapawan ng bagong saltang player ang original player sa team. Sa totoo lang, instead na mag-improve ang laro ng dating player sa team ay tila nawawala ang kumpiyansa niya. Kung dati ay parang siya ang favorite player ni coach, ngayon ay mukhang iba na.
Comments are closed.