MAGIGING special guests si Wushu Federation Philippines secretary-general Julian Camacho at ang mga miyembro ng national team na sumabak sa katatapos na 16th World Wushu Championships sa Philippine Sportswriters Association (PSA) weekly Forum ngayong Martes sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Tatalakayin ni Camacho, vice president ng Wushu Federation of Asia at muling nahalal bilang miyembro ng International Wushu Federation (IWUF), ang katatapos na kampanya ng koponan sa Fort Worth, Texas kung saan nagwagi ang mga Pinoy ng 1 gold, 4 silvers, at 1 bronze.
Ang gold ay nagmula sa duilian men’s trio nina Mark Lester Ragay, Mark Anthony Polo, at Vincent Ventura.
Ang 10:30 a.m. session ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, MILO, Philippine Olympic Committee, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.