CAMBODIA SEA GAMES PORMAL NA BUBUKSAN NGAYON

PHNOM PENH— Magbibigay-pugay ang bansa sa mga kababaihan sa sports sa pagmartsa ng female athlete-dominated Team Philippines sa parade of nations sa opening ceremony ng Cambodia 23nd Southeast Asian Games ngayong Biyernes.

Si Alyssa Valdez, ang volleyball superstar sa bansa, ay dumating dito kahapon ng madaling araw, may sapat na oras para makapagpahinga mula sa three-hour red-eye flight mula sa Manila para sa opening ceremony kung saan magsisilbi siyang flag-bearer sa ikalawang pagkakataon matapos ang 2015 Singapore Games.

“It’s a privilege and I am overwhelmed by this historic opportunity,” wika ni Valdez, na naunang lumipad sa women’s volleyball team na nakatakdang dumating dito sa Sabado.

Magsisimula ang opening ceremony sa alas-4 ng hapon (5 p.m. sa Manila) at idaraos sa Morodok Techo Stadium, 60,000-seat structure na itinayo sa hugis ng isang sailing boat”.

Matatagpuan sa outskirts ng Cambodian capital, ang stadium ay itinayo noong August 2017 at nakumpleto noong August 2021 sa halagang $160 million.

Inaasahan ni Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang mainit na pagtanggap sa Team Philippines na una sa kasaysayan ng SEA Games opening ceremony ay may female-dominated contingent.

“This is a first time—a tribute to women athletes and to the gender equality program of the International Olympic Committee,” sabi ni Tolentino, na isa sa dalawa lamang na lalaki na sasama sa parada bukod kay Chef de Mission Chito Loyzaga.

Kasama rin si Deputy Chef de Mission Leonora Escollante sa parada.

Isusuot nila ang elegant Francis Libiran-designed white barongs— na tinawag ng Philippine fashion icon na “Araw”— sa ibabaw ng itim na pantalon.

Sasama sa parada sina swimming at diving’s Ariana Hanah Drake, Chloe Isleta at Miranda Cristina Renner; athletics’ Aira Teodosio, Jamela de Asis, Jelly Diane Paragile, Ginnah Malapit, Abegail Manzano, Melissa Escoton, Sarah Dequinan, Kristine Knott, Evelyn Palarbica at Natalie Uy; badminton’s Aira Mae Albo and Mikaela de Guzman; basketball’s Clare Castro, Janine Pontejos, Afril Bernardino, Ana Alicia Castillo at Angelica Surada; billiards’ Chezka Centino and Rubelyn Amit; chess’s (ouk chatrang) Janelle Frayna and Shania Mae Mendoza; cricket’s Lolita Olaguier and April Rose Saquilon; women’s football’s Satina Bolden, Jessika Cowart, Quinley Campomanes at Inna Palacios; golf’s Rianne Malixi at Lois Kaye Go; jiu-jitsu’s Andrea Divina, Isabela Montana at Louann Gutierrez; Kun Bokator’s Mariane Mariano at Alyssa Kylie Mallari; obstacle race’s Sandi Menchi Abahan at Marites Nocyao; pencak silat’s Angel-Ann Singh, Shara Julia Jizmundo at Angeline Virina; at table tennis’s Rose Jean Fadol at Sendrina Andrea Balatbat

CLYDE MARIANO