NAGKABANGGAAN ang dalawang bus na sinasakyan ng mga atletang banyaga na Cambodian na kalahok sa South-east Asian Games sa North Luzon Expressway.
Naganap ang insidente sa South bound-Bocaue exit, bahagi ng Bulacan.
Sinabi naman ni Atty Jarie Osias, tagapagsalita ng Philippine Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na kanila nang kinukumpirma ang mga impormasyong nakarating sa kanila.
Isa umano sa lulan ay dumugo ang ngipin subalit tumanggi nang magpasuri sa doktor at dumiretso na sa Philippine Arena.
Batay sa sketchy report, na biglang huminto sa harapan ng bus sakay ang mga atleta na mula sa Cambodia kaya bigla din itong huminto.
Kaya naman nabangga ito sa likuran ng bus sakay ang mga atletang mula sa Laos.
Samantala, isang sasakyan din ang tumirik habang sumigla ang mga atletang kalahok nang pagdating nila sa venue ay binigyan ng souvenir items. EUNICE C.
Comments are closed.