CAMEROONIAN HULI, PEKENG P250K NASAMSAM

FAKE MONEY-2

QUEZON CITY – ARES­TADO ang isang Cameroon national dahil sa kasong swindling, estafa at nakuhanan pa ng P250,000 counterfeit bills sa entrapment operation ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6)  P/LTC Joel Villanueva sa  Brgy. Holy Spirit.

Ayon pa kay QCPD Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. kinilala ang  suspek na si Karl Heinz Akom Obi alyas Jackson Smith, 29-anyos,  walang trabaho.

Ayon pa sa ulat, nakumbinsi ng  suspek  sina Celia Madin, 40, Michelle Ramos, 31, Brenda Gabriel, 51 at Julita Florendo, 57, ­kapwa mga residente ng  Brgy. Holy Spirit na i-invest sa kanilang business.

Noong Pebrero 28, sa tinutuluyan ni Smith ay napaniwala niya ang mga biktima na  nagbigay ng P250,000 para sa naturang  investment.

Una nang humingi ang suspek sa biktima ng P5,000 upang ibili ng chemicals pang proseso.

Bumalik ito at sinabing kailangang pang mag-reproduce na kakailanganin sa paggawa ng pera.

Agad namang nagbigay ang biktima ng P245,000 cash sa suspek na agad namang inilagay sa yellow plastic bag at inilagay sa  loob ng bag pack at hinaluan ng  mga chemicals. Matapos ang 30 minuto, agad inalis naman nito ang pera  sa yellow plastic bag at ibinalot ulit sa plastic bags. Muli ay inutusan ang biktima na takpan o daganan ang naturang papel na may kemikal sa loob ng 10 hanggang 12 oras bago buksan ito.

Naramdaman ng mga biktima na may mali kaya agad namang tinignan ng mga ito ang bundle ng pera gamit ang Ultraviolet light at nadiskubreng peke ang pera.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.