CAMIGUIN NAHAHARAP SA ‘DI INAASAHANG PAGTAAS NG KORYENTE

NAHAHARAP ang mga residente ng isa sa nangungunang destinasyon ng turismo sa Filipinas sa pagbabayad ng pinakamataas na singil ng koryente sa bansa.

Nag-alarma si Camiguin Representative Xavier Jesus D. Romualdo kamakailan dahil sa P20 per kilowatt-hour (kWh) na pres­yo ng koryente na magiging dalahin ng mga  consumer sa Camiguin dahil sa over-contracting ng Camiguin Electric Cooperative, Inc. (CAMELCO) ng kanilang  power supply.

“The current residential rate in Camiguin is at P16.00 per kWh. This is already the most expensive in the country today. CAMELCO will now start drawing power from another of its suppliers and, when we get our July electricity bill in August, calculations show that we will be billed not less than P20.00 per kWh,” pahayag ni Romualdo.

Ayon pa kay Romualdo, ang maximum peak demand ng CAMELCO ay 4 megawatts (MW) lamang pero nang pumasok ang electric cooperative sa power supply contracts kasama ang FDC Misamis Power Corporation para sa 4 MW, King Energy Generation, Inc. sa 4 MW, at GNPower Kauswagan sa 2.73 MW, para sa total contracted capacity na 10.73 MW. Kumukuha rin ang CAMELCO ng 2 MW mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation.

“It is very clear that CAMELCO contracted too much power and, as we all know, consumers pay for all the power that is contracted even if we do not use it,” dagdag ni Romualdo, na siyang pinuno ng House Committee on Government Reorganization.

Ang mga opisyal ng CAMELCO ay matagal ng namimiligro dahil sa mga alegasyon ng mismanagement at incompetence. Noong Setyembre 2017, mahigit na 19,710 na CAMELCO member-consumers at mga residente ang pumirma at naglatag ng petisyon sa National Electrification Administration (NEA) para imbestigahan ang CAMELCO at ang kanilang board of directors, general manager, at ibang opisyal dahil sa overcontracting at sobrang pagkalugi taon-taon, negative cash flows, at utang na nasa daang milyon, may matured loans na hindi pa nababayaran, na nakadetalye sa independent auditor ng kooperatiba.

Noong Oktubre 2017, naglatag si Romualdo ng House Resolution No. 1385 na dinidirektahan ang  Committee on Energy na magsagawa ng imbestigasyon sa financial condition at viability ng CAMELCO, gayundin sa trabaho ng NEA at ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng kani-kanilang mandato na mag-supervise ng electric cooperatives at protektahan at itaguyod ang interes ng mga konsumer. Pero hanggang ngayon ay hindi sila gumagawa ng hakbang para sa resolusyon.

“I’ve actually been writing and talking to the NEA and the ERC about CAMELCO’s problems since late 2016, when we learned about them. Thus, the NEA, for example, knows about the huge losses and how CAMELCO tries to hide these and the ERC knows about the overcontracting. In fact, they should know about these things even without us telling them. It is precisely their job to know and do something about it. But there has been no real action ever since,” sabi pa ni  Romualdo.

Dagdag pa sa bigat na dalahin sa mga individual na consumer ang pahayag ni Romualdo na ang prohibitive power rates ay makasisira sa lumalagong ekonomiya at turismo ng Camiguin. Binigyan ng ranggo ng National Competitiveness Council ang  Camiguin bilang ika-10 sa mga most compe­titive province in the country. Ang Mambajao, ang provincial capital ay nasa pangalawang  most competitive sa 3rd hanggang 6th class na munisipalidad.

Nananawagan si Romualdo sa NEA at sa ERC na gumawa agad ng paraan para maprotektahan ang consumers sa  mataas na singil ng koryente ng CAMELCO.

“Appealing to CAMELCO itself is useless. They have long stopped listening to and caring about their member-consumers. It is and has always been up to the concerned government agencies, the NEA and the ERC, to look after and protect the consumers. We have been patiently waiting for these agencies to act but things have become worse. It is now time for them to wake up and do their jobs,” sabi pa ni Romualdo.

Comments are closed.