Jayzl V. Nebre
Kitang kita ang pagiging fashionista ni Camille Co. nakikita ito sa mga isinosoot niya at sa mga dekorasyon sya sa bahay niya. Hindi na kataka-takang nakikilala siya sa pahbebenta ng stylish furniture, kasosyo ang asawang si Joni Koro.
Pero hindi lamang yon. Mayroon din siyang restaurant ang Canton Club.
Iilan lamang sa mga nagsimuka sa blogging ang sumikat na pariis ni Camille Co-Koro. Sa nakalilito at nakasasakit ng ulong panahon ng Facebook, nagsimulang mag-blog si Camille. 2011 yon, 12 taon na ngayon ang nakalilipas.
Kadalasan, tungkol lamang ito sa fashion at kanyang personal life. Milyun-milyon ang katulad niya, pero mabibilang mo sa daliri kung ilang ang nagtagumpay.
Umaasa sila sa social media, kaya naman si Camille, lahat, pinatulan. Bukod sa FB, meron din siyang IG (Instagram), youTube at Tik-Tok kahit noon pang 2021. Pati ang asawa niyang si Joni Koro at anak na si Sienna ay kasama rin siya sa blogging.
Pwede rin namang ang totoong dahilan ng kanyang success ang ang husay niya sa fashion and style. Sa ngayon, bukod sap agba-blogging, pinatatakbo nia ang Curio Cavern,isang Scandinavian-inspired furniture store, at ang Canton Club, isang restaurant. JVN